February 27, 2025

Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ

NAWALA ang angas ng dayuhang Mexican fighter matapos siyang pulbusin ng pambatong Pinoy MMAer sa tampok na bakbakan ng 37th Philippine Encuentro Championship na ginanap sa CFS Gym, Yague St.Tejeros sa Makati City nitong nakaraang weekend.

Si Washit ng Brew Brothers club  ay nagbabaga ang kanyang kamao kontra kalabang sobrang kumpiyansang Mehikano na nagpasiklab muna sa unang round ng 3-minutes 3- rounders superfight habang kumukuha ng magandang tiyèmpo ang pambatong Pilipino.

Sa ikalawang round ay nasukat na ni Washit ang Mexican fighter at sa huling 1:20 ng yugto ay pinawalan na nito ang barrage of heavy punches na ikinagitla ng dayuhan hanggang itigil na ng referee  ang laban at igawad ang panalo at TKO na kampeonato kay Washit sa torneong inorganisa ng Catalan Fighting System na pinamumunuan ni 2006 Doha Asian Games wushu gold medalist Rene Catalan.

Matapos ang usok ng bakbakan ay buong respeto ang papuri ng talunang Mexican na si Sanchez sa Pìnoy champion at binawi ang kanyang maangas na pahayag sa kanilang pre-fight faceoff na siya ay dumayo dito sa Pilipinas para manalo at wala sa bokabularyo niya ang matalo.

Samantala sa main event sudokwan ay di naman pinalad si Jimmy Balderas ng Pilipinas matapos siyang dominahin sa lona ng dayong Nigerian fighter na si Emmanuel Iseukpe ng Trex MMA sa unang round pa lang via TKO.

“My hats off to all our fighters, winner and losers for the success of our fight night. Till next Philippine Encounter Championship here at CFS… Congratulations!” wika ni Catalan.