
NAKOPO ng host Pasay ang kampeonato ng idinaos na Philippine Encounter Championship over the weekend sa Barangay 190 sa Pasay City.
Nasungkit ng protegees ng Pasay RL Mixed Martial Arts ang male and femałe division gold medals ng naturang grassroot combat sports competition na inorganisa ni 2006 Asian Games Doha,Qatar wushu gold medalist Rene Catalan – owner ng Catalan Fighting System sa Makati City. Bumida sa SUDOKWAN main events sina Zecharia De La Cruz at female kickboxing super fight Angel Ventura at MMA main event king Herold Angangan laban sa C.Arcasitas – led fighters mula Sorala ,Cotabato.
“Overall ay successful ang ating Philippine Encounter Championship,isang grassroot program ng inyong lingkod na naglalayong makatuklas pa ng mga future heroes sa MMA partikular sa ating sports association na Sudokwan, Inc., congratulations sa lahat ng namayagpag sa isang araw makabuluhang bakbakan dito sa Pasay”, pahayag ni Catalan( pinuno ng Sudokwan)
kasabay ng taos na pasasalamat kay punong-abalang Kapitan Reynaldo Legaspi ng Bgy.145 ( Sto. Niño) sa Pasay.
Si Kap.Legaspi ang may pinakamalaking bilang na miyembro ng RL MMA at Sudokwan fighters. (DANNY SIMON)
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa