
PATULOY ang pagtuklas ng magigiting ng Pinoy martial arts fighters sa pagratsada ng Philippine Encounter Championship (PEC) na tatampukan ng enkwentro sa pagitan ng Pasay MMA vs Philippine MMA sa Nobyembre 9, 2024 sa Lungsod Pasay.
Ang naturang grassroot martial arts development event ayon kay organizer Asian Games Doha 2006 wushu gold medalist Rene Catalan – founder ng Catalan Fighting System, ay idaraos sa Barangay 190 ng lungsod na ihu-host naman ng RL Integrated Martial na may malaking bilang na miyembro ng martial arts ni Kap. Reynaldo Legaspi enthusiasts sa kalunsuran.
“Our search for more Filipino heroes in the countryside continues in the barangay level going up to elite that will represent the country in international combat sports in the future through our pet project Philippine Encounter Championships,” wika ni Catalan na siya ring pinuno ng Sudokwan Philippines, Inc. kasabay ng kanyang pasasalamat sa katuwang sa prestihiyosong kaganapan partikular sa Pamahalaang Lungsod Pasay, Barangay 145 Zone 16 Sto. NiƱo sa pakikipagtulungan ng Baragay 190, Pasay City. Let’s support our search for Filipino martial arts heroes”.
Para sa karagdagang detalye kumontak sa cp#09154989804. (DANNY SIMON)
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF