December 24, 2024

PHILIPPINE COAST GUARD HUMIHINGI NG LUPA SA BUREAU OF CORRECTIONS

Hiniling ng pamunuan ng Philippine Coast Guard sa   Bureau of Corrections o BuCor na maglaan ng lupa sa PCG.

Si Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ay bumisita kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr.

Sa pulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang planong gawing sentro ng gobyerno ang BuCor sa New Bilibid Prison.

Kaugnay nito ay humingi ng 20-ektaryang lupa si  Gavan upang gawing permanenteng headquarters ng PCG.

Bilang kapalit, inilatag ni Gavan ang service offerings ng PCG gaya nang paggamit ng  PCG surface assets upang ilipat ang mga  PDLs; paggamit ng mga bus ng PCG sa pagbibiyahe ng mga PDLs mula sa NBP sa mga pantalan sa Maynila; pagpapagamit ng  aircrafts ng PCG sa panahon ng  inspections sa mga regional prisons and penal facilities; at ang pagsasailalim ng PCG sa training sa mga  Bucor personnel upang makatugon sa kanilang mandato.

 Pabor naman si Catapang sa kahilingan ng PCG ngunit sa ngayon ay tatlong ektarya lamang sa 20 ektaryang kahilingan ng PCG ang inisyal na maibibigay.

Ngunit inaalok din ni Catapang ang isang bahagi ng property ng BuCor sa Palawan na malapit sa West Philippine Sea.