November 2, 2024

PHILIPPINE AIR FORCE, MATAGUMPAY NA NAKAPAGSAGAWA ANG MALAWAKANG BLOOD LETTING ACTIVITY

Sa pagdiriwang ng ika-75th anibersaryo ng Philippine Air Force, nagsagawa ang PAF ng isang malawakang bloodletting activity na idinaos sa iba’t-ibang air bases sa buong Pilipinas.

Ang Kick-off Ceremony ay naganap noong ika-31 ng Mayo taong kasalukuyan sa Villamor Air Base Golf Club, Pasay City katuwang ang Philippine Red Cross.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong makalikom ng mga dugo na magagamit pandugtong buhay sa mga nangangailangan. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan virtually ni LtGen. Connor Anthony D. Canlas Sr PAF, Commanding General Philippine Air Force at dinaluhan ng mga PAF Unit Commanders at representatives ng kanilang mga partner medical institutions.

Nagtapos ang Kick-off Ceremony ng matiwasay at nakapagtala ng 119 successful donors at nakalikom ng kabuoang 53,550cc ng dugo. Malugod na nagpapasalamat ang Philippine Red Cross sa naipapamahaging tulong ng nasabing aktibidad ng Philippine Air Force.