October 17, 2024

PHILIP SALVADOR, YOUNG BROTHER ANG TURING KAY JOHN REGALA

NALUNGKOT si Philip Salvador, dahil para raw sa kanya ay wala na iyong alitan nila ni John Regala. Bakit daw muli itong binubuhay? Para sa kanya ay wala na raw iyon, at nagkapatawaran na sila.

Narito ang pahayag ni Kuya Ipe: “Oo. Hindi ba magkasama naman kami sa Asiong Salonga? A, wala iyon [isyu], hindi pinapatulan yung ganun. Walang isyu sa amin ni John. John has been a younger brother to me. I love him, I respect him. He’s a very good actor. And I’m happy that he’s back. I’m really happy that he’s back. And producers should give him more projects because he is one of our greatest actors here,” saad niya nang huli siyang magpa-interview.

Dapat kay John Regala, matuto na siyang magpatawad. Dahil si Kuya Ipe, ay nakapagpatawad na. At wala na iyong mga nangyaring gulo sa kanilang dalawa, at itinuring na nga niyang kapatid itong si John Regala.