Dinomina ni Philip Delarmino si Alexander Abramov ng RMF sa lahat ng rounds. Dahilan upang magwagi sa senior male elite minus-75kg gold. Nagharap ang dalawa sa 2021 IFMA World Muaythai Championships sa Phuket, Thailand.
Nalamangan ng 3-anyos a Pinoy Muaythai fighter si Abramov ng Russia, 30-27. Kung kaya, nasikwat nito ang kauna-unahang world title. Huli siyang sumabak sa Southeast Asian Games.
Bago nito, dinispatsa muna ni Delarmino si Laishram Biyachandra Singh ng India. Tinapos niya ito sa loob lamang ng two rounds. Sunod na tinalo ni Delarmino si Javad Vahid Reza ng Sweden sa quarterfinal.
Ginapi niya naman si Almaz Sarsembekov ng Kazakhstan, 29-28 sa semifinal. Nakuha ni Delarmino ang unang two rounds.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na