ARESTADO ang spokesman ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Pasig City nitong Lunes ng hapon, Oktubre 5, dahil sa reklamong cyber liber na isinampa sa Cebu City.
Ayon kay Pasig City Police Chief Colonel Moises Villaceran Jr., dinakip si PhilHealth senior manager for corporate communication Rey Baleña dakong alas-1:30 ng hapon malapit sa City State Center building sa kahabaan ng Shaw Boulevard.
“He had a standing warrant of arrest of cyber libel issued in Cebu City by Judge Ramon Daomilas Jr,” wika ni Villaceran.
Bagama’t hindi hindi malinaw ang detalye ng reklamong cyber libel na isinampa laban kay Baleña, subalit pinaniniwalaang may kinalaman sa kanyang pagiging tagapagsalita ang naturang reklamo dahil sa mga nangyayari sa PhilHealth.
Naniniwala si Baleña na wala siyang personal na isinulat o ipinahayag na personal na makasisira sa PhilHealth o sa sinuman.
Inihanda na naman na ang mga dokumento para makapagpiyansa ng P30,000 si Baleña.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA