Mga walang silbi ang mga taga PhilHealth! Bakit? Dahil wala namang naitutulong sa mga nagkakasalit na mahihirap na Pilipino sa kabila ng patuloy na pangongolekta ng kontribusyon.
Pinatutulog ng mga taga-Philhealth ang perang nalilikom nito mula sa mga myembro buwan-buwan. Ang mga walang kwentang taga-PhilHealth, bukod sa nagtatamasa at nagpapasasa sa malalaking sweldo at benepisyo, magbabalik pa ng bilyong piso sa National Treasury.
Ang sinasabi ng Department of Finance, ang kanilang pinababalik sa kaban ng bayan ay subsidiya mula sa pamahalaan at hindi kontribusyon ng mga miyembro.
Ang P30 bilyong ibabalik ng mga ungas na taga-Philhealth ay ibinigay ng pamahalaan upang itulong sa naghihikahos nating kababayan para sa kanilang pagpapagamot.
Ang mga kamote sa Philhealth, walang ginawa. Hinawakan ang pera, hindi inalagaan ang mga may karamdamang mamamayan ng bansang ito kahit pa nakikitang kapos sa pantustos sa pangangailangang medikal.
Alam ba ninyo mga Cabalen na maatraso ka lamang ng kaunti sa pagbabayad ng kontribusyon sa mga ungas na taga-Philhealth ay bibigyan ka na ng penalty? Ang pobreng amo at empleyado kahit pa hirap ay mapipilitang magbayad ng multa. Hindi rin nila pinatawad ang lockdown na walang negosyong tumakbo ng maayos at marami ang nagsara. Tuloy ang bayad sa Philhealth.
Mga Cabalen, dapat naisip ng mga ungas na taga-Philhealth na sana ipinangdagdag na lamang ito sa benepisyo ng mga miyembro. Marahil lumuwag ng konti ang pamamaluktot sa hirap ng mga Pinoy na walang pangtustos sa kanilang pagpapagamot.
Dapat lamang siguro na usisain ng mga opisyal at pamahalaan ang mga magarbo at marangyang pamumuhay ng mga opisyal ng Philhealth.
Wala na bang maasahan sa bansang ito? May pag-asa pa ba tayo sa klase ng mga inuupo natin sa puder?
Gamitin natin ang ating isip sa tamang kandidato at gamitin natin ang puso para sa kapwa Pilipino.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA