
INAKUSAHAN ng nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith si PhilHealth president at CEO Ricardo Morales na “nagkakanlong o maaring bagong lider ng sindikato” na tumangay sa premium paid ng mga miyembro ng state insurer.
Sa dalawang pahina na ipinadala kay Morales na may petsang Hulyo 26, iginiit ni Keith na patuloy pa rin ang mga malawakang iregularidad sa PhilHealth isang taon matapos sibakin ni Pangulong Duterte ang senior executives na umano’y nasa likod ng “ghost” dialysis patients scam at iba pang mapanlinlang na transaksyon.
“I believe that you, BGen Morales (PCEO, PhilHealth), may have become the cuddler (sic) or may have been the new leader of the syndicate in PhilHealth,” ayon kay Keith.
“I believe there is a widespread corruption in PhilHealth,” saad pa niya.
Sinabi rin niya na mayroon siyang mga dokumento na nagpapatunay sa kanyang mga alegasyon laban sa PhilHealth chief.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
‘TOL’ Tolentino Nagpugay sa 22-Medal Haul ng PH Kickboxing Team na Sumabak sa Bangkok World Cup
MGA NAGING TAGUMPAY NG 550th AIR BASE GROUP SA BUWAN NGMARSO 2025