November 24, 2024

PHASE 3 NG BIKE LANES PROJECT TATAPUSIN NG CDC SA JULY 2021

CLARK FREEPORT — Nakatakdang tapusin ng Clark Development Corporation ang patuloy na kontraksyon ng bike lane project – Phase 3 ng nasabing Freeport ngayong Hulyo 2021.



Ito ang nakalap na ulat mula sa Engineering Services Group (ESG) – Construction Management Division (CMD) na nagbibigay-diin sa bike lane project – Phase 3 na tatawaging “New Clark City Non-Motorized Transport Sytem to Clark Freeport Zone.”

Layon nito  i-promote itong Freeport bilang green, walkable at bike-friendly community.

Ang naturang proyekto ay plinano at dinisenyo ng CDC-ESG na sinuportahan ng Bases Conversion and Development  Authority (BCDA).

Sinimulan ang konstruksyon noong Pebrero 23, 2021 na may four meter-width at 7.96 kolometers asphalt pavement na may marking at pinatibay na kongkretong tulay ng nagbibisikleta.

Saklaw din nito ang lugar mula sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at Creekside road papuntang Panday Pira Avenue tounda patungong Mabalacat Gate, at mula sa Gil Puyat Avenue papuntang Prince Balagtas Avenue sa Marcos Village rito sa Freeport.

Nakompleto ang Phase 1 ng proyekto noong 2019 habang nitong Pebrero 2021 natapos naman ang Phase 2.  Tiyak na mae-enjoy ng mga nagbibisikleta at siklista itong bike lanes na ito sa Freeport.


Samantala, pinasimulan din ng CDC ang ‘Clark Bike Days’, isang programa na inilaan para sa lahat  na nais na bagtasin at maranasan pumadyak sa magagandang ruta ng Feeport na ito.  Isinasagawa ang “bike days” tuwing Sabado at Linggo mula alas-5:00 ng umaga at hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-3:30 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi. Isa sa mga designated bike routes para sa programang ito ay ang Prince Balagtas Road.


Layon ng programang ito na i-promote ang healthy lifestyle at pasiglahin ang local tourism sa lugar. Suportado rin ng CDC officials, executives at miyembro ng CDC Board of Directors itong nisyatibo na ito sa pamamagitan ng pagtaguyod at pagpapatupad ng “bike culture” sa loob ng Freeport.