BINANSAGAN ni Quezon City 5th District Patrick Michael Vargas na “habitual liar” si Pharmally Pharmaceutical Corp. stakeholder Rose Nono Lin dahil sa paiba-iba ng testimonya sa Kamara.
Ayon kay Vargas, maaaring sinadya ni Lin ang paiba-ibang testimonya sa hangaring lituhin ang imbestigasyon hinggil sa mga anomalyang kinasasangkutan. Bukod aniya sa Pharmally scam, dawit din si Lin sa illegal POGO.
“Rose Lin has been lying not just to the House of Representatives’ quad comm but also during the 2021 Senate Blue Ribbon inquiry on Pharmally,” hirit ng kongresista kung saan lumabas ang mga patunay na sa kanya ang mga luxury vehicles na katas na bilyon-bilyong kita sa Pharmally scam.
Isa pa aniyang kasinungalingan ng Pharmally scandal queen ang paglalahad na 2009 lamang niya nakilala ang asawang si WeiXiong Lin, alyas Allan Lim o Allan Lin, gayung sa isang birth certificate ay lumalabas na 2004 ipinanganak ang kanilang pangalawang anak.
“Clearly, she would stick to meeting her husband in 2009, otherwise, she would be implicated in the drug cases linked to him in early 2000s,” paniniwala ni Vargas.
Bunsod nito ay hiniling ni Vargas sa Philippine Statistics Authority (PSA) na maglabas ng kopya ng birth certificate ng mga anak ni Lin para maisumite sa Ombudsman na siya namang magbibigay ng kopya sa quad comm.
Itinanggi rin ni Lin na sangkot sa sindikato ng droga ang kanyang asawa.
“It is disheartening to know that among the highest personalities in the syndicate matrix is a Filipino. We will not allow yet another Alice Guo to fester in our country,” dagdag niya.
Sa magkakahiwalay na pagsisiyasat ng Kamara, Senado at PDEA tinukoy ang pagkakasangkot ni Lin syndicated operation ng illegal drugs, POGOs, at Pharmally.
Samantala, pinag-aaralan na ng quad comm kung isa-cite in contempt si Lin bunsod ng makailang ulit na kasinungalingan.
More Stories
MGA SUNDALO NA SASAWSAW SA POLITIKA MAG-RESIGN NA – BRAWNER
MARCOS, VP SARA NAKIISA SA BONIFACIO DAY
KILOS-PROTESTA SA BONIFACIO DAY NAGING MARAHAS