Umaasa si top junior tennis player Alex Eala na magiging maganda ang performance niya sa French Open.
Papalo ang 15-anyos na si Eala sa girls singles ng Grand Slam Juniors. Target din niya na masundan ang kanyang Australian Open doubles noong Enero.
Ito na rin ang kanyang unang major tournament sapol noong Australian Open dahil sa pandemic.Pero, sa French Open, puntirya niya ang singles title. Si Alex ay No. 2 seed sa grand slam event sa Paris.
Nag-improived ang kanyang laro 2 taon na ang nakalipas. Katunayan, current No.4 siya sa International Tennis Federation (ITF) junior rankings.
Ito ay dahil sa nagtraining siya at scholar sa Rafa Nadal Tennis Academy sa Mallorca, Spain.
Sa double’s event, makatatambal muli ni Eala si American Elina Kalieva. Si Kalieva ay partner niya last year sa US Open.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo