Pinarangalan si surfing star Roger Casugay bilang first Filipino na nagkamit ng ‘Pierre de Coubertin Act of Fair Play Award’. Ito ay pagkilala sa kanyang ginawang heroism noong 30th SEA Games.
Naging biggest star si Casugay sa SEA Games pagkatapos nitong tulungan ang Indonesian rival na hinampas ng alon.
Sa halip sa isiping manalo, pinili ni Casugay na sagipin ang surfer na si Arip Nurhidiyat. Naging viral sa social media ang kabayanihan ni Casugay
Dahil dito, kinilala ng International Olympic Committee (IOC) ang kanyang ‘kindness’ at ‘bravery’.
Ikinagalak naman ni PSC at 30th SEAG Chef de Mission William Ramirez ang pagkilala kay Casugay.
“We are very proud of Roger because he has truly exemplified the true meaning of being a Filipino and a sportsman,” ani Ramirez.
Ang pagkilala kay Casugay ay ipinaalam ng International Surfing Association (ISA) sa pamamagitan ni Membership and Development Manager Alex Reynolds.
Ipinaalam ni Reynolds kahapon sa United Philippine Surfing Association ang gawad-pagkilala ng Coubertin kay Casugay.
“Above all, it is a more fulfilling achievement to be recognized for character than skills and achievements. It shows who we are as people and as a nation,” ani ng PSC Chief.
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
Sen. JVE panauhin sa AFAD Arms Show ngayon sa SMX