Magkakasunod na pandaigdigan at lokal na kumpetisyon ang nakalinyang lahukan ng Pilipinas Sambo Federation Inc. (PSFI) na tinututukan at pinaghahandaan ng husto ng national squad, kabilang ang paparating na 32nd Southeast Asian Games simula Mayo 5-17 sa Phnom Penh, Cambodia.
Nakatakdang makipagpambuno ang mga combat fighter’s ng national squad na pangungunahan ni 2019 SEA Games gold medalist at dating UFC fighter Mark “Mugen” Striegl, gayundin ang mga batikan at dekoradong mixed martial arts athletes na sina Robin Catalan, SEA Games medalists Geli Bulaong at Marianne Marianno sa martial art event na Kon Bokator, kasama ang ilang national athletes’ ng Muay at Pencak Silat.
Sasabak rin sa ibang kumpetisyon ang ilan sa mga pambatong manlalaro ng Sambo kabilang si 30th Manila meet Sport Sambo champion Chino Sy-Tancontian sa men’s freestyle wrestling sa Cambodia Games sa men’s 97kgs division.
Bukod sa biennial meet, hindi rin papaawat ang mga Filipino Samboist sa pangunguna ng tinaguriang “Asian Sambo Queen” Sydney Sy Tancontian sa pagsabak sa DSI Dutch Open Sambo competitions sa Netherlands sa Marso 10-12, habang lalahok rin ang iba pang Pinoy Samboist sa Jagsport Invitational Tournament sa Singapore.
Subalit bago rito ay gaganapin muna ang four-day Sambo seminar, kaantabay ang Sambo national tournament na 1st Mayor’s Cup simula Marso 2-5 sa Fora Filinvest Mall sa Tagaytay City.
Tatapusin ng Sambo national squad ang taon sa pakikipagtagisan sa magkasunod na international tournament sa 2023 World Combat Games sa Oktubre 21-30 sa Riyadh, Saudi Arabia at ang na-delay na Asian Indoor Martial Art Games sa Nobyembre 17-26 sa Bangkok at Chonburi sa Thailand.
“We’re ready to join various tournaments in the country and mostly abroad. Tinututukan namin talaga na maka-gold sa AIMAG, also yung World Combat Games. Continues ang aming preparation and training as early as January, nagtuloy-tuloy na kami, kaunting break lang due to holiday season tapos balik agad,” pahayag ni PSFI President Paolo Tancontian kahapon sa lingguhang sports program na TOPS Usapang Sports na ginanap sa Philippine Sports Commission (PSC) Executive Lounge sa Rizal Memorial Sports Complex, Malate, Manila.
Naging matagumpay ang mga programang ipinapatupad ng PSFI sa taong 2022 kung saan napasama sa kauna-unahang pagkakataon ang pampalakasan sa 8th Women’s Martial Arts Festival simula nung Nobyembre 12-18 sa RMSC, habang kabi-kabilang medalya ang ibinulsa ni Asian Champion at seven-time World bronze medalist Sydney Sy sa pandaigdigang kumpetisyon kabilang ang FISU World University Games ng mag-uwi ito ng silver medal.
“Our primary goal is for our national athletes to perform their very best in international stage, as well as continued promotion of our sports in various regions in the country. Actually, sa sobrang ready namin, kahit anong event pwede naming salihan,” wika ni Tancontina na sinimulan na rin ang kanyang tungkulin bilang Deputy Chef-de-Mission ng Cambodian biennial meet kasama si coach Len Escollante ng Canoe-Kayak at CDM Chito Loyzaga ng baseball. “Layunin namin talaga na makapagbigay ng maraming medalya para sa bansa at mas lalo pang mapalawig at mapropagate ang aming sports sa bansa sa malaking tulong ng PSC at POC (Philippine Olympic Committee) na sana’y magpatuloy ang pag-suporta at tulong sa amin upang mas lalo pang mapalakas ang aming pampalakasan.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA