Bigo si Pinoy boxer Reymond Yanong sa kanyang laban sa Las Vegas kontra kay American rival Genaro Gamez sa kanilang eight-round welterweight showdown. Natalo si Yanong via first-round knockout.
Nagawang isandal ni Gamez ang Pinoy pug sa lubid pagkatapos na tamaan ng matinding kanang suntok sa panga. Binilangan ng referee si Yanong, subalit tila na hindi na tumutugon sa bilang si Yanong; lalo pa’t pinatamaan siya ni Gamez sa bodega. Tuluyan nang humalik sa lona si Yanong nang tamaan ng mala-rapidong suntok ni Gamez sa sentido nito.
Bago labanan si Gamez, galing sa panalo si Yanong, labing-dalawang araw ang nakararaan sa Las Vegas.
Si Yanong din ang ikalawang Filipino boxer na lumaban sa kabila ng Coronavirus pandemic.Nauna nang lumaban si Mike Plania nitong nakaraang linggo sa Las Vegas. Bukod kay Yanong, nauna nang nabigo ang stablemate ni Plania na si Mark Bernaldez via decision.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2