Kinansela ng Top Rank Promotions ang nakatakdang laban ni Pinoy pug John Vincent Moralde.
Lumabas kasi sa isinagawang test na nagpositibo sa COVID-19 ang boxer.
Isinagawa ang test sa bisperas ng laban.
Kasama si Moralde sa Top Rank card sa Las Vegas kontra kay Alexis del Bosque ng Mexico.
Maglalaban sana ang dalawa sa lightweight eight-rounder bout sa The Bubble MGM Grand.
Kasalukuyan namang naka-quarantine ang 26-anyos na si Moralde sa isang hotel.
Si Moralde, tubong General Santos City ay lumaban sa U.S. ng limang beses.
Mayroon siyang record na 2 wins at 3 losses.
More Stories
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76
D’Engineers chess championship… GM JÒEY ANTONIO, HARI NG RAPIDO!
Grassroot hanggang Olympics… PSC AT PAI MAGKAAGAPAY