
Nilikida ni Pinoy boxer Mike “Magic’ Plania si Panamian pug Ricarfdo “El Matematico’ Nuñez sa kanilang sagupaan sa Manuel Artime Community Center Theater sa Miami, Florida. Tinapos kaagad ni Plania ang kalaban sa Round 1.
Pagbatingaw pa lamang ng bell, rumagasa na agad ng suntgok ang Pinoy fighter. Pinatamaan nito ng solidong right punch si Nuñez. Nirapido niya rin ito ng suntok, dahilan upang bumagsak si ‘El Matematico’, may 2:14 mark sa round 1.
Dahil sa panalo, naitala ni Plania ang kanyang 11th straight wins sa kanyang boxing career. Napaigi rin nito ang kanyang record sa 25-1 at may possibility na makaupak sa world title. Si Nuñez naman ay lumasap ng 7 sunod na pagkatalo sa kabuuang 13.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo