
Target ni Jonas Sultan na makalaban si WBA at IBF unified bantamweight champion Naoya Inoue. Bulalas ng Pinoy boxer, nais niyang unang makalaban ito. Pagkatapos ay haharapin naman ang dalawang kapwa Filipino boxers.
Ito’y sina Nonito Donaire Jr at John Riel Casimero na gusto rin niyang makalaban. Priority niya muna umano si Inoue, dahil isa ito sa de-kalibreng boxer. Katunayan, pasok ang Japanese pug sa pound-for-pound list ng Ring Magazine.
“My dream really is to fight Inoue, even if I was tagged as the underdog. Because if you are the underdog then they are pressured. For me, I don’t feel the pressure,” ani Sultan.
Kung matatandaan, nanalo si Sultan sa kanyang previous fight nitong nakaraang October. Ginapi nito via unanimous decision si Puerto Rican pug Carlos Caraballo.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT