
Humakot ng kabuuang 5 medals ang PH Poomsae team sa Goyang 2022 World Taekwondo Poomsae Championships in South Korea. Nakakamig ang team ng 1 gold, 2 silver at 2 bronze medals sa torneo.
Kinamig ni Ernesto Guzman Jr ang ginto sa men’s under 50. Inambag naman ng tandem nina Ian Corton at Nicole Abayne ang 1 silver. Wagi ang dalawa sa Pair-under 17. Ang isa pang silver ay inambag ng tandem nina Justin Kobe Macario at Juvenile Crisostomo. Dinomina ng tambalan ng dalawa ang free-style pair over 17.
Hinablot naman ni Rodolo Reyes Jr ang isa sa bronze sa male-under 30. Habang ang isa pa ay sinungkit ni Darius Venerable sa freestyle male over 17. Nag-aabot naman ng pagbati ang Philippne Sports Commission (PSC) sa karangalang ibinigay ng mga atleta.\
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT