Sumungkit si Pinoy pole vaulter EJ Obiena ng gold medal sa pag-igkas nito sa European meet. Nagtala si Obiena ng 5.8m sa European City of Sports leg sa L’ Aquila. Italy. Ito na ang second gold medal ng star pole vaulterna nakolekta sa buwan ng Mayo.
“It’s not everyday we get to jump in such beautiful places. 5.85m for the🏅here in L’Aquila Italy. Such a beautiful venue jumping in front of Basilica di Santa Maria di Collemaggio,”post nito sa social media.
Nitong nagdaang SEA Games, matagumpay na naidepensa ng 26-anyos ang pole vault title. Naglista si Obiena ng 5.46m upang muling makamig ang gold medal sa nagdaang biennial meet.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2