Nakasailalim ang Pilipinas sa mga bansang kabilang sa grey list ng money laundering watch list at terrorist financing, kasama ang Haiti, Malta at South Sudan, ayon sa international watchdog group.
Ayon sa Financial Action Task Force, na isang international organization na nagsasagawa ng global efforts para masawata ang money laundering at terrorism financing, na ang pagkakasama sa listahan ay isang senyales para sa mga bansa na may kailangan itama sa kanilang financial systems.
Dahil dito nasa 22 mga bansa na ang inilagay sa masusing pagbabantay ng intergovernmental watchdog na binuo noon pang 1989.
Ang Malta ang natatanging EU nation na nasa listahan na dinodomina ng African at Central American at Caribbean na mga bansa.
Hindi naman nagustuhan ni Malta Prime Minister Robert Abela ang aksyon ng FATF pero sinabi niyang palalakasin pa ang pagtugon laban sa financial crimes.
“While I consider this decision as one which is unjust, our country will continue to build on the many reforms we have already done”, ani Abela.
Sa kabilang banda, kung may nadagdag ay inalis naman ng FATF sa nasabing listahan ang Ghana sa grey list. Wala namang naidagdag o nabawas sa blacklist ng FATF na kinabibilang ng Iran at North Korea lang.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON