December 23, 2024

PH Para Games arangkada sa M. Manila… SEN. BONG GO DARLING NG ATLETANG PINOY

MAGMULA sa regular na atleta hanggang sa para athletes, tunay na kinagigiliwan at pinagkakaguluhan na idolo si Senator Christopher ‘Bong Go saan mang sports function siya magpunta bilang panauhing pandangal.

Sa ginanap na pambungad seremonya ng Philippine National Para Games 2024 nitong Linggo ng gabi  sa Ninoy Aquino Stadium kung saan siya ang guest of honor at  pormal namang binuķsan nina Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann at Philspada head Mike Barredo ang Palaro sa mga  atletang PWD’s, di magkamayaw ang galak ng mga atleta at opisyales na naroon sa galeriya ng seremonya ss presensya ng sports enthusiast na Senador ng Republiķa.

“Idol namin siya (Go) dahil super ang kanyang malasakit sa aming mga atleta ng bayan.Di lamang kami kundi sa lahat ng Pilipinong nakikinabang sa kanyang sports and health program sa kanyang buong termino kaya ibabalik natin siya sa Senado, topnotcher pa!” sigaw ng mga atleta kasabay ng masigabong palakpakan habang grupo-grupo siyang nagpa-selfie sa lahat ng nasa NAS.

Si SBG ay laging nakasuporta sa ating mga atleta mula sa mga upcoming hanggang elite kung saan ay instrumental din siya sa pagkakaloob ng insentibo sa mga namamayani sa ibang bansa mula SEAGames,Asiad hanggang Olimpiyada.Siya rin ang may pet project ng pinakikinabangan ngayon National Academy of Sports sa Clark, Tarlac.

Ang PNPG’24 na todo suportado ng PSC ay nilahukan ng 900 atleta mula sa iba’t- ibang panig ng bansa ay humataw kahapon at matatapos sa Huwebes (Nob.14). Ginanap ito sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at PhilSports sa Pasig City. (DANNY SIMON)