PUERTO PRINCESA – Sumiklab na ang giyera sa baybayin ng Puerto Princesa at nagpasiklaban ang mga mandirigmang mananagwan na dayuhan at pambatong Pilipino sa kumarerang ICF World Dragonboat Championship dito sa tourist hub ng lungsod, ang Baywalk.
Sinimulan ng Pinoy paddlers ang kanilang kampanya sa prestihiyosong kompetisyon sa dragonboat sa pagsagwan ng 2 silver at 4 bronze medals na senyales ng mabungang kampanya sa 4 na araw na bakbakan sa karagatang baybayin na tanaw ang ganda ng dagat at bundok ng Puerto Princesa.
Isinukbit ng PH junior bets ang silver sa 2,000-meter small boat event sa tiyempong 10 minuto at 15.51 segundo sa pasiklabang suportado ng Philippine Sports Commission, Tingog party-list at Lacoste watches.
“This is a good showing for them considering they trained together for the time in August,” wika ni national coach Duch Co sa kanyang tropang binubuo nina Fiona Reign Minsing, Carla Joy Cabugon, Maria Kristina Mane, Chanal Maglasang, Ronen Estoque, Ivan Ercilla, Dirk Quinones, Jordan Jurado, Doree Rill Blanco, Angelo Osin, John Rex Senora,Jessa Mery Divine Dinampo and John Brix Caasi.
Una dito,nakasagwan na rin Pinoy bets upang sumegunda sa women’s masters ng 2,000-meter small boat event na naorasan ng 14:04.67 sa championships kaagapay ang Puerto Princesa City government sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron.
Ang PH standard-bearers ay sumagwan din ng mga bronze sa junior men’s, women’s open, 40+ Open at 50+ Open races ng 2,000-meter small boat events ng torneong nagsisilbing highlight sa International Canoe Federation’s centennial anniversary.
Ang mhalaga, ang national squad ay pumuwesto ng. 10th overall .
“I am offering no excuses but sometimes this make the race even more difficult if you are drawn near the end of the race,” paliwanaģ ni Co kaugnay ng sistemang bawat koponan ay pawawalan kada 10 segundo.
“Kapag ganito ang posisyon mo sa huli, dapat Magaling ang steersman mo. Overall, maganda naman ang nagawa ng team,” diin ni veteran national skipper OJ Fuentes. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA