December 20, 2024

PH NAVY SHIP BINUNTUTAN NG CHINESE VESSELS


BINANTAYAN at binuntutan ng dalawang Chinese Coast Guard vessels at dalawang Chinese maritime militias ang isang Philippine Navy warship malapit sa Mischief Reef – isang low-tide elevation na matatagpuan sa Spratly Islands, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, nagsagawa pa ang Chinese maritime militia “fishing vessels/boats” ng intercept course patungo sa Philippine Navy warship.

Ang Mischief Reep ay sakop ng 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.

Saad ni Balilo, nagsasagawa ang BRP Andres Bonifacio ng patrol at search mission nang mga panahong iyon.

Bagama’t ito ay sinubaybayan at binuntutan, ayon sa opisyal ay hindi nakialam ang Chinese vessels sa operasyon at misyon ng BRP Andres Bonifacio.