November 24, 2024

PH, nananatili bilang lower middle-income economy — World Bank

Nanatili ang Pilipinas bilang lower middle-income economy noong 2023, ayon sa World Bank, makaraang mangulelat ang gross national income (GNI) per capita ng bansa sa karamihan ng mga kapitbahay sa Timog Silangang Asya.

Sa website ng multilateral lender, umakyat naman ang GNI per capita ng Pilipinas sa $4,230 noong nakaraang taon, mas mataas sa $3,950 noong 2022.

Gayunman, sa kabila ng increase ay bumagsak pa rin ang GNI per capita ng Pilipinas sa bracket ng World Bank para sa lower middle-income economies na $1,146 to $4,515.

Simula 1987 ay classified na ang Pilipinas bilang lower middle-income economy.

Sa Southeast Asia, naiiwan ang Pilipinas ng high-income economies, gaya ng Singapore at Brunei, maging ng upper middle-income economies, gaya ng  Malaysia, Thailand, at Indonesia.