Nagpadala muli ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China dahil sa pananatili ng mga barko nito sa West Philippine Sea (WPS).
Sa dalawang pahina ng kalatas, sinabi ng DFA na ang mga barko ng China ay nagpapakita na nanghihimasok sila sa soberanya ng ating bansa.
Ang dalawa pang diplomatic notes pagtupad sa araw-araw na protesta na inihahain ng ahensya.
Ayon sa DFA, batay sa inspeksyon noong Abril 20, mayroon pang namataan na 160 Chinese fishing vessels at Chinese militia vessels sa Kalayaan Island Group na nasa loob ng ating exclusive economic zone (EEZ) at sa territorial waters ng Bajo de Masinloc.
May namataan ding limang Chinese Coast Guard vessels sa Pag-asa Islands, Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.
Tiniyak ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. na tutuparin nila ang tuloy-tuloy na paghahain ng protesta laban sa Beijing, hanggang hindi umaalis doon ang mga sasakyang pandagat.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA