Papalo si men’s volleyball star Marck Espejo sa Bahrain upang maglaro sa isang team doon. Magsisilbing import ang 23-anyos na spiker para sa Bani Jamra hanggang Enero 30.
Ang 5-time UAAP MVP ay tumulak sa Bahrain noong Huwebes ng hapon upang maglaro sa Bahrain League.
“Itong league siguro sobrang mag-boost ng career ko ito if mag-boom ako doon. Kasi gulf area magandang exposure yon para sa akin,” ani Espejo sa panayam sa kanya ng SPIN.ph.
Magsisimula ang Bahrain first Division League bukas-Linggo. Kung saan, sasabak ang Bani Jamra sa 8-team field na kinabibilangan ng Al Muharraq, Al Ahly, Al Najma, Dar Kulaib, Al Nasr, Al Busaiteen at A’ali.
Ito ang ikatlong overseas stint niya matapos nitong maglaro sa Japan V.League bilang import ng Oita Miyoshi.
Gayundin sa Visakha Volleyball Club sa Thailand League na pinaikli ng COVID-19 pandemic.
Huling naglaro si Espejo rito sa bansa noong nakaraang taon kung saan pinamunuan nito ang Philippine men’s volleyball team na nagwagi ng makasaysayang silver medal sa 30th Southeast Asian Games.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison