
Sasalang ang Malditas o Philippine women’s football team sa AFC Women’s Asian Cup India 2022 qualifiers sa Tashkent, Uzbekistan sa September 18. Kabilang Pilipinas sa Group F ng nasabing tournament.
Ang torneo ay binubuo ng walong grupo. Kung saan, ang mangunguna sa bawat bracket ay uusad sa Women’s Asian Cup sa January 20 hanggang February 6, 2022.
Kaugnay dito, nagkaroon pa ng pnawagan sa 22 players upang sumabak sa qualifiers. Kabilang na rito si team captain at goalkeeper Inna Palacios. Gayundin si defender Hali Long bilang co-captain. Nagkaroon ng training camp ang Malditas sa Irvine, California bilang preparasyon sa tournament. Nagsimula ito noong August 4 at natapos ng September 11.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo