KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magpapadala ng note verbale sa China matapos ang umano’y komprontasyon sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy malapit sa Pag-asa Island.
Ito ay para pagpaliwanagin ang China sa puwersahang pang-aagaw ng Chinese Coast Guard sa rocket debris na nakuha ng Philippine Navy sa Palawan.
Saad ng Pangulo, kailangan maresolba ang isyu.
“And hindi nagtugma ‘yung report ng Philippine Navy at saka ‘yung report na galing sa China because the word forcibly was used in the Navy – in the Philippine Navy report. And that was not the characterization in the Chinese navy report or the report coming from China,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo, buo ang tiwala niya sa Philippine Navy.
“So we have to resolve this issue. Of course, I am – I have complete trust in our Navy and if this is what they say happened, I can only believe that that is what happened,” pahayag ng Pangulo.
Kailangan aniyang pagpaliwanagin ang China sa naturang insidente.
“So we have now asked the Chinese, why is it that their account is so different and it’s much more benign – shall we use that word – than the.. Because the forcibly na nga was used in the – at least in the initial reports of the Philippine Navy,” pahayag ng Pangulo.
“So we’ll have to find a way to resolve this. This is one of the things, this kind of incidents are some of the things that I’m glad that I’m going to Beijing early January because this is — these are the things that we need to work out because with the way that the region, our region, Asia-Pacific is heating up, baka may magkamali lang, may mistake, may misunderstanding then lalaki ‘yung sunog,” pahayaga ng Pangulo.
Kailangan aniyang magkaroon ng mekanismo para hindi na maulit ang insidente.
“So we don’t want that to happen. So we want to have a mechanism na we have to find a way na hindi na mangyari ‘yun, na wala tayong mga incident na ganyan,” pahayag ng Pangulo.
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela