Balak ng Karate Pilipinas Sports Federation na itulak ang mga atleta nito sa Istanbul, Turkey. Doon ay sasalang ang karatekas sa training camp.
Ito ay bilang preparasyon para sa world qualification tournament para sa 2021 Tokyo Olympics.Ayon kay Karaet president Richard Lim, ang select athletes ay sasalang sa extensive training mula March hanggang May.
Bukod pa ang sasalihang pocket tournaments ng mga ito. Inimbitahandin sila upang magsanay sa Turkey Olympic Center sa Turkish national team.
“Turkey has the highest level of karate in sparring. They are also good in kata, actually very balanced ang Turkey pagdating sa karate events.”
“And their training system is in high level kaya it’s good for out athletes,” saad ni Lim sa Philippine Sportswriters Association Online Forum.
Sasali rin ang team sa Premier League sa February 14 sa Portugal. Ngunit, titingnan nila ang sitwasyon doon bago ikasa ang partisipasyon.
Sa ngayon, ilang karatekas ang nasa training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Kung saan, doon sila nagsasanay sa ilalim ng bubble type protocol.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2