MAGDARAOS ng dambuhalang kaganapan ang JKS (PKTS) Philippine Karatedo Traditional and Sports sa halos pagtatapos ng buwang kasalukuyan sa Robinson’s Metro East kung saan ay kumpirmado ang paglahok ng 36 Karate Clubs na manggagaling sa iba’t- ibang panig ng Kapuluan.
Sa pamumuno nina President Sensei Ryo Ochoa, Chairman Shihan Raymund Lee Reyes, Chief Instructor Sensei Rex Maanao at ng mga JKS PKTS heads nationwide ay raratsada ang 18th PKTS Karate Open Championship sa Nobyembre 26 at 27, 2022.
Ang mga patisipante ay mula sa Luzon; Ilocos Sur, Vigan, La Union , Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Bataan, Laguna, Santiago, Cauayan, Baguio City, Isabela, Tarlac, Cavite, Navotas, Valenzuela, Manila, Pasig , Marikina , Antipolo , Quezon City : Visayas; Bohol, Tacloban , Bacolod:Mindanao; Cotabato, Davao at ibang grupo tulad ng Phi Air force, Universities at local Karate clubs sa buong bansa.
” Layunin namin na palakasin pa ang karate especially para sa development ng mga atletang kabataan .Ihahanda namin ang pag-asenso maipagmalaki sa parating na si Japanese instructor Shihan Masanao Kagawa at Sensei Yaguchi,” sambìt ni Shihan Reyes. “During the event on Nov.26,magdaraos kami ng General Assembly ng mga clubs namin sa JKS(Japan Karate Shoto) PKTS,seminars,promotion at referee course c/o Phil.JKS Alliance.Sa Nov. 27 ang tournament proper at awarding of promotion certificates.”
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund