November 19, 2024

PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES

Isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga tao na kailangan ng medical treatment para sa neglected tropical diseases (NTDs) – mga nakakahawang sakit na laganap sa maiinit na bansa at nakaaapekto sa halos isang bilyong mamamayan na nabubuhay sa kahirapan at walang sapat na sanitasyon.

Ang mga NTD, gaya ng tinukoy ng World Health Organization (WHO), ay sanhi ng iba’t ibang pathogen, kabilang ang mga virus, bacteria, parasito, fungi, at toxins. Ang mga sakit na ito ay may malubhang epekto sa kalusugan, panlipunan, at pang-ekonomiya.

“The epidemiology of NTDs is complex and often related to environmental conditions,” ayon sa WHO.

“Many of them are vector-borne, have animal reservoirs and are associated with complex life cycles. All these factors make their public health control challenging,” dagdag pa nito.

Ayon WHO, kabilang sa NTD ay ang Buruli ulcer, Chagas disease, Chromoblastomycosis and other deep mycoses, Cysticercosis, Chikungunya, Dengue, Guinea worm disease (“dracunculiasis”), Echinococcosis, Foodborne trematodiases, Sleeping sickness (“African trypanosomiasis”), Leishmaniasis, Leprosy (“Hansen’s disease”), Lymphatic filariasis (“elephantiasis”), Mycetoma, River blindness (“onchocerciasis”), Rabies, Scabies and other ectoparasites, Schistosomiasis, Soil-transmitted helminthiases, Snakebite envenoming, Taeniasis, Trachoma at Yaws.

“They are ‘neglected’ because they are almost absent from the global health agenda,” dagdag pa ng WHO.