July 3, 2024

PH-ITALY FRIENDSHIP FOOTBALL CUP MATAGUMPAY NA NAIGANAP

Full-packed football action sa pagitan ng Pilipinas at Italian selection sa ginanap na Philippines-Italy Friendship Cup sa Rizal Memorial Track and Football Stadium noong Hunyo 4 na bahagi ng aktibidad ng selebrasyon ng National Italy Day 2024.

NAGING matagumpay ang Philippines-Italy Friendship Cup noong June 4 sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila.

Angat  ang Philippines sa unang sisenta minutos (2-1 sa unang hati) ngunit nakabalikwas ang Italy Selection Team sa second half sa last possession goal ni Jed Francisco para makatabla ang huli (2-2). Bunga ng draw ay nagkaroon ng penalty shoot-out kung saan nagwagi ang Italy Selection Team (5-3).

Ang friendly football match ay bahagi ng series of celebrations kaugnay sa National Day of Italy 2024 sa pangunguna ni Italian Ambassador Marco Clemente. (DANNY SIMON)