Bumagal ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa nitong Oktubre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang inflation sa 4.9% nitong Oktubre – mula sa 6.1% noong Setyembre, at mas mababa rin sa 7.7% inflation rate noong Oktubre ng nakaraang taon.
Mas mababa rin ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula 5.1 hanggang 5.9%.
Bumagal din ang rice inflation nitong Oktubre.
Sa monitoring ng PSA, bumaba sa P45.40 ang kada kilo ng regular milled-rice sa bansa, mula sa P47.50 noong Setyembre; Habang ang well-milled rice naman ay bumaba rin sa P51 per kilo mula sa P52.70 kada kilo sa nagdaang buwan.
Nangako naman ang National Economic and Development Authority (NEDA) na patuloy nilang imo-monitor ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Paghahandaan din ang epekto ng El Niño na inaasahang makaaapekto sa kalagitnaan ng 2024.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW