November 18, 2024

PH HOTPONGERS HAHATAW NG GINTO SA SEAG CAMBODIA

KULANG man sa international exposure, kumpiyansa si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma na makakamit ng Pinoy table netters ang pinakamimithing gintong medalya sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 6-17.

Maliban sa beteranong sina John Nayre at Emerose Dael na kasalukuyang nasa abroad para sa pagsasanay mula sa pribadong sponsors, pawang local competition lamang ang nalahukan ng mga miyembro ng Philippine Team, gayunman Malaki ang nakitang potensyal ni Ledesma sa resulta ng isinagawang National qualifying kamakailan sa Puerto Princesa, Palawan.

“After the Vietnam SEA Games last year, hindi kami nakalabas ng bansa to train or participate sa international meet. Through private sponsors, our No.2 player na si John Nayre kasalukuyang nasa Portugal, while our women’s No. 3 Emerose Dael nasa US naman, “ pahayag ni Ledesma sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex za Maynila.

“But I like our chances this time in Cambodia. Matagal na naming gustong makuha ang gold medal sa SEAG, but this time baka makuha na natin yan with this kind of line-up and preparation,” saad ni Ledesma sa sports forum na itinataguyod ng PSC at Behrouz.

Tanging ang beteranong si Richard Gonzales ang nakasungkit ng medalya (silver) sa men’s singles para sa PH Team sa nakalioas na Vietnam SEAG. Muling sasabak ang 35-anyos na si Gonzales na inaasahang lalaro rin sa men’s double event kasama si Nayre.

Bukod sa dalawa, umaapaw ang pag-asa ni Ledesma sa bagitong miyembro ng National Team na sina Filipino-French Eduard Valenet and dating SEA Games junior champion na si Eljay San Tormis mula sa University of Santo, gayundin ang isa pang beterano na si John Russel Misal.

“Pinag-iisipan ko pa po kung susunod ako kay Nayre sa Portugal, kailangan lang pong maaayos ang sked ko sa school or mabigyan ako ng special na skedyul for home study. Malaking bagay din po kasi ang training abroad at saka saying yung sponsorship,” pahayag ng 19-anyos na si Tormis.

Sa women’s team, muling sasabak sa quadrennial meet sina Philippine No. 1 Kheith Rhynne Cruz, Angelou Joyce Laure, Emerose Dael, Rose Jean Fadol at Sendrina Balatbat.

“Despite luck of exposure, I still believe ma-achieve namin ang target naming sa tabke tennis. Alam naman ninyo na ito ang magiging legacy natin sa sports. Kahit pero abono tayo, importante mapataas natin ang level ng table tennis,” sambit ni Ledesma.

Bahagi ng program ana mapataas ang exposure ng table tennis sa masang Pilipino ay ang patuloiy na pakikipagtambalan ng PTTF sa mga eskwelahan,  gayundin ang pagsasagawa ng mga torneo kabilang na ang World Junior Championship na isasagawa sa Oktubre sa Palawan. Sa naturang torneo, inaasahang lalahok ang mahigit 500 atleta mula sa mahigit 50 bansa na miyembro ng federasyon ng table tennis.