Nakahablot ng bronze medal sa vault event si Carlos Yulo sa 2020 All-Japan Senior Gymnastics Championship sa Takasaki, Japan.
Nagtala ang 20-year-old champion ng 14.733 points, ka-tie si Japanese Kenzo Shirai para sa third place.
Dineklara namang co-winners sina Wataru Kanigawa at Keisuke Asato sa nasabing event. Nakapagtala ang 2016 Rio Olympics bronze medalist na si Kanigawa at Asato ng 14.900 points.
Nanghinayang naman ang Pinoy gymnast sa favorite niyang floor exercise. Nagtala lamang siya sa pet event ng 13.966. Kaya naman, rumekta siya sa `19th place kasama sina Tatsuki Tanaka at Kentaro Yunoki.
Bigo rin si Yulo sa pommel horse (12.900), still rings (14.100, parallel bars ( 14.066) at horinzontal bar (13.633).
Nakapagtala ang kanyang performance sa ika-12 place sa all-around na may 83.398 points. Malayo sa record ni multiple world championship medalist Kazuma Kaya na may 86.998 points.
Optimistiko naman si Yulo na iigi ang kanyang performance habang nagsasanay sa Japan. Si Japanese coach Munehiro Kugimiya ang mentor niya sa kanyang extrensive training.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!