Nasungkit ni Pinoy GM Joel Antonio ang titulo sa 1st Asian Seniors Online Chess Championship. Nagkampeon ang 58-anyos na Pinoy woodpusher nang talunin si Nassir Wajih sa final round.
Kahit kulilat sa limang GMs na naglaban-laban sa finals ng torneo, nagawang daigin ni Antonio ang mga ito. Sa kabuuang siyam na laban, panalo si Antonio ng lima.
Kabilang sa tinalo ng Pinoy GM si fourth seed GM Tair Vahidov ng Uzbekistan. Nadagdag pa sa kanyang mga natalo sina third seed Alexi Barsov at top pick GM Saidali Lildachev ng Uzbekistan.
Sa kanyang panalo, pinasalamat ni Antonio ang kasamang si GM John Paul Gomez dahil sa pagbibigay nito ng kumpiyansa sa kanya.
“Malakas ang kumpiyansa ko dahil sa binigay na opportunity ni GM JP (Gomez) sa akin,” saad Antonio na kabilang sa Agila ng Pilipinas team. Ang nsabing team ay lalahok sa rapid online version ng Olympiad sa Agosto.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2