
Nagtarak ng gold medal si Samantha Kyle Catantan sa Penn State Garret Open 2021 sa University Park, Pennsylvania. Nanalasa ang Pinay PSU sophomore fencer sa go women’s foil event.
Nilikida ni Catantan sa unang araw ng tourney ang 14 katunggali. Nagtamo lamang siya ng isang talo. Isa sa markadong panalo ng 19-year-old encer ay ang pagtalo kay Delphin Vore ng Columbia University sa finals, 13-12.
Si Kyle ay naging gold medalist sa 2019 SEA Games na idinaos dito sa ating bansa.
Bago nito, dinispatsa niya muna sa Table of 32 sina Mikaela Yhip, Sarah Filby para sa Table of 16, Zander Rhodes para sa Table of 8, at Vivian Zheng sa semifinals ng torneo.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA