November 2, 2024

PH FARE HIKE, DI NAMAN KALABISAN, HUWAG ISISI KAY PBBM

Photo Courtesy: PNA.govPh

Pagkaupo ni PBBM bilang ika-17 Pangulo ng Republika, sinalubong ito ng fare hike. Kaya, nagtaas ang pamasahe sa mga publikong sasakyan. Depende pa kung anong PUV ang lulunan mo.

Mula P9.00- P10.00, nadagdagan ng P2.00 ang pamasahe sa mga dyip. Ito ay dahil sa matas kuno na presyo ng krudo. Naiintindihan natin ang mga operator at mga driver kung bakit nila hiniling ito. Hiniling na magtaas ng pamasahe.

‘E kahit kumayod sila ng husto, kulang pa rin ang naiuuwi nila. Sa boundary lang nauuwi ang pinamasada nila. Kaya, kakarampot ang naiuuwi sa pamilya. Kulang na kulang ito upang makasabay sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Para naman sa komyuter, nauunawaan ng karamihan ang nasabing senaryo. Gaano ba naman ang P2.00 dagdag sa pamasahe? Maliit lang at hindi ito dapat ito isisi kay PBBM. Nakaiintindi ang isang payak na uri ni Juan De la Cruz. Pero sa mga pamanggulo lang, hayun ngawa ng ngawa.

Umaangal sa kararampot na dagdag na malaking tulong sa kababayang tsuper. Pero, mayroon namang panggimik at pambili ng luho. Sisiw na sisiw ang P2.00 na dagdag pamasahe.Pero, siyempre, hangad nating bumaba ito basta bumaba ang presyo ng krudo. Umasa tayo na aaksiyunan ito ni PBBM.

Sa ngayon, magtulungan at mag-unawaan na lang muna tayo. Huwag masyadong overacting at exaggerated sa takbo ng pangyayari.