Kabilang si seasoned career diplomat Enrique Manalo, ang Philippines’ Permanent Representative to the United Nations (UN), na nasa listahan para sa posisyon ng Foreign Affairs Secretary sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ayon sa source ng Politiko.com, si Manalo ay itinuturing na top diplomat ng bansa dahil sa kanyang malawak na karanasan sa international relations at mahigit sa apat na dekada nanungkulan sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Tumaas ang ranggo ni Manalo bilang Special Assistant to the Office of the Deputy Minister of Foreign Affairs noong 1979 hanggang sa i-appoint upang irepresenta ang Pilipinas sa UN noong 2020. Hinawakan niya rin ang iba’t ibang diplomatic post sa mga nakalipas na taon, kabilang ang First Secretary at consul sa Philippine Embassy sa Washington, DC; DFA Undersecretary for Policy; Philippine Ambassador to Belgium at Luxembourg mula 2010 hanggang 2011; at Philippine envoy to the United Kingdom noong 2011 hanggang 2016.
Bilang economics graduate sa University of the Philippines Manila, nagsilbi si Manalo bilang acting Secretary of Foreign Affairs matapos ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Perpecto Yasay.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY