November 24, 2024

PH DAPAT MAG-POKUS SA ECONOMIC RECOVERY (Iwasan maging frontline sa girian ng China, US)


Matapos ang word war sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa hindi magandang insidente sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng dalawang bansa noong Nobyembre 16, 2021 kung saan hinarang at binomba ng tatlong Chinese Coast Guard vessels ng water cannons sa dalawang supply boats ng Pilipinas, tahimik na muli ang lugar ng Ayungin Shoal, at nanumbalik na muli ang supply run.

Ito’y dahil sa tahimik na diplomasiya at pagkikipag-negogasasyon sa pamamagitan ng bilateral diplomatic channel, maayos na nahawakan ang insidente sa Ayungin Shoal, at hindi na umabot sa matinding gulo. Walang alinlangan, muling nanaig ang diplomasya.

Gayunpaman, binigyang diin ni George Siy, isang Wharton-educated industrialist, at director ng Integrated Development Studies Institute (IDSI), na ang mundo ngayon ay hindi lamang tungkol sa military bagkus maging sa economic at technology competition.

Aniya, hindi na dapat maging frontline ang Pilipinas sa girian ng China at United States.

“Let us not be the frontline for the military confrontation of the power struggle on who should be number one. China and the US are engaged in this competition and we should not become the frontline of this battle,”  sambit ni Siy.

Dapat daw mag-pokus na lang ang ating bansa sa economic recovery.

Sinabi pa niya na dapat nating tuluran ang Vietnam at South Korea, na hindi nakakalimutan ang kanilang kasaysayan habang pinapalawak ang mga produktibong pakikipag-ugnayan kahit na sa mga dating mga kaaway.

Ayon naman kay Rommel Banlaol, President ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS) sa isang online webinar na inorganisa ng IDSI, dahil sa kamakailang insidente sa Ayungin Shoal, dapat ibalik ng Pilipinas at China ang negotiation table para matugunan ang hindi pagkakaunawaan sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Banlaol na kailangang paalalahanan ng magkabilang panig ang kanilang mga natamo sa Bilateral Consultative Mechanism (BCM) sa South China Sea kung saan sila ay nangakong isulong ang pragmatikong kooperasyon upang mapanatili ang isang pagkakaibigan, itaguyod ang karaniwang kaunlaran at makamit ang kapayapaan sa West Philippine Sea.

“Instead of conducting their unilateral actions to assert their respective positions, both countries agreed to work together to encourage coordinated actions and joint management and development of natural resources in the SCS,” ayon kay Banlaoi.

Sinabi ni Banlaoi na kailangan ng Pilipinas at China na magtatag ng isa pang mekanismo na maaaring magsulong ng mas malapit na koordinasyon sa ground upang maiwasan ang mga insidente na may potensyal na makapinsala sa kanilang pangkalahatang bilateral relations.