Pipihit muli si PH chess whiz kid Jerick “Pogi” Faeldonia sa kanyang pagsalang sa Atty. Rosendo Carreon Balinas Jr. kiddies online chess championship.
Ang torneo ay idaraos sa sa November 22, 2020 sa lichess.org.
Ang free registration 3 minutes plus 2 seconds increment time control format ay bukas sa lahat ng kiddy chessers na ang edad ay 12 years old pababa.
Ang 10-anyos na si Faeldonia ay grade 5 pupil ng Legarda Elementary School. Makakatapat nito ang best kiddie woodpushers sa bansa na kinabibilangan nina Candidate Master (CM) Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal, Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes ng Dila-Dila, Santa Rita, Pampanga.
Gayundin sina Ivan Travis Cu at Jericho Winston Cu ng San Juan City, Dennis Jocel Mendoza ng Mandaluyong City, Dwight De Guzman ng Kalibo, Aklan, Arnel Mahawan Jr. ng San Rafael, Bulacan at Ryien Bahita ng Canlaon City, Negros Oriental.
“I hope to do well in the upcoming Grandmaster and Attorney Rosendo Carreon Balinas Jr. kiddies online chess championship ,” ani Faeldonia na ipinagmamalaki ng Espana Chess Club, Manila.
Ang patimpalak ay suportado nina US based frontliner Dr. Joe Balinas , Engr. Antonio “Uncle Paps” Balinas, Mr. Recca Carcueva ng Philippine E-9 Chess Club , Mr. Wagish Kumar Rai ng Frontier Wheels at Mr. Glenn Hullana Garcia ng Brainy Chess Academy na inorganisa ng Bayanihan Chess Club.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!