December 24, 2024

PH boxers na sina Petecio at Paalam, pumalaot sa Tokyo Olympics

Pumalaot sa 2021 Tokyo Olympics sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam. Ito’y matapos padalhan ng confirmatory notice ng International Olympic Committee Boxing Task Force- IOC-BTF) ang Philippine Olympic Committee (POC).

Kung saan, nakasaad ang qualification ng dalawang boxers sa Olympics. Ayon naman sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP), ang 2 ay nagkuwalipika dahil sa bisa ng kanilang standing.

Ito ay sa kinabibilangan nilang weight categories ayon sa Boxing Task Force rankings. Malaki rin ang naitulong ng kanilang pagsalang sa Asia-Oceania Olympic Qualifiers sa Amman Jordan noong March 2020.

Si Petecio ay nag-qualified sa women’s featherweight event (57kg). Siya ang current rank no.5 sa category na may 425 points.

Habang si Paalam naman ay sa mens; flyweight (52kg) nang tumuntong sa no.12 rank na may 215 points.

Ang dalawa ay kapwa golde medalist sa 2019 SEAG. Si Petecio ay 2019 AIBA Women’s World Boxing champion. Sila ay karagdagan sa pambato ng bansang boxers. Kung saan, unang nang nagka-ticket sa Olympics sina Irish Magno at Eumir Felix Marcial.