Habang naghahanda para sa Olympics si Pinoy boxer Eumir Marcial, isang trahedya ang nangyari sa kanilang pamilya.Nasa Los Angeles ngayon si Marcial nang malaman niyang pumanaw ng kanyang kuyang si Eliver Marcial, 39-anyos.
Pumanaw si Eliver kaninang umaga sa kanilang bahay sa Cavite. Natengga ito roon dahil sa ipinatupad na Luzon-wide lockdown noong March dahil sa COVID-19.
Papauwi na sana ito sa Zamboanga upang makapiling ang asawa’t anak. Ngunit, nangyari ang hindi inaasahan.
“Masaya pa siya noong Friday ng gabi tapos excited na yung parents ko lalo na yung asawa niya pati mga anak niya. Masakit talaga sa akin kasi close kami magkakapatid,” saad Marcial.
Dahil dito, inilatag agad ni MP Promotions President Sean Gibbons na makabalik si Marcial sa bansa.
Ngunit, nagpasya si Eumir na manatili sa US. Iaalay nito ang kanyang efforts sa kanyang kapatid.
“Dito na lang muna ako kasi wala na din naman magagawa sa nangyari. Mas lalo ko naging inspirasyon kuya ko.”
“Ito rin naman ang gusto niya, maging ready ako sa Olympics,” ani Marcial na nagsasanay sa Wild Card Boxing Club in Hollywood, California.
Nagti-training siya sa ialim ni coach ni Freddie Roach.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2