Muling pinatunayan ni Nina Campos, ang sole representative ng Pilipinas, na pang-world class ang kanyang boses matapos mag-first-place sa Euro Pop Singing Contest 2024.
Ang EPC o Euro Pop Contest ay isang international singing completion para sa mga kabataang na may aking talento na may edad 10 hanggang 24 na isinasagawa taon-taon sa Berlin, Germany ng non-profit organization Music Accuracy at Veranstaltulgen eV na inumpisahan noong 2023.
Nakipagkumpetensiya si Nina Campos sa ilalim ng katergoryang 18-24 years old mula sa 18 bansa. Dahil sa kanyang soulful rendition ng sikat na awitin na ‘Home’, kaya’t nauwi niya ang karangalan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga mentor ni Nina Campos ay sina Jex De Castro na isang grand prix winner sa London noong 2023, gayundin sina Mamaclay na top 5XFactor Malta. Siya ay ipinadala sa kompetisyon ng EPC o Euro Pop Contest ng Vega Entertainment Productions at Euro talent Festival sa ilalim ng pamumuno ni International Charie Vega.
Layon ng kompetisyon na i-promote ang talent ng young performers. Ang kaganapan ay ginanap mula Nobyembre 21 hanggang 25, 2024.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA