
Pinagharian ni PH chess wizard Marc Kevin Labog ang katatapos na JCA Blitz May 2025 chess tournament na ginanap sa Paradise Park Mall, Bangkok, Thailand nitong Sabado, Mayo 17, 2025.
Si Labog, Sr Billing Analyst sa Datamatics Philippines ay nakaipon ng 8 puntos sa siyam na laro mula sa pitong panalo at dalawang tabla para maiuwi ang titulo.
Kabilang sa tinalo ni Labog ay sina Nakorn Nakthip ng Thailand (Round 1), Edward Tunguia ng Philippines (Round 2), Roberto Suelo Jr. ng Laos (Round 4), Louie Salvador ng Philippines (Round 5), NM Ric Portugalera ng Philippines (Round 7), AIM Remark Bartolome ng Philippines (Round 8 at FM Jimson Bitoon ng Philippines (Round 9).
Tabla naman siya kontra kina Allan Pason ng Philippines (Round 3) at FM Deniel Causo ng Philippines (Round 6).
“I would like to dedicate my victory to my family, my friends, and especially to God,” sabi ni Labog na dating pambato ng Adamson University chess team.
Si Labog na chess prodigy mula Solano, Nueva Vizcaya, Philippines ay nagkampeon din sa Spring Blitz Tournament na ginanap sa the Chess Lab Al Quoz in Dubai, United Arab Emirates nitong Abril 2, 2025.
Nagbigay naman ng pahayag si Datamatics’ Financial Controller Glory Grace Branzuela.
“Kevin demonstrates excellence not only in chess but also serves as a vital asset to the Finance Team at Datamatics.” sabi ni Glory Grace na team captain ng Datamatics chess team. (Ulat ni DANNY SIMON)
More Stories
43rd PAL Manila Marathon, Babalik Na sa Hunyo 22
BARIL NG PULIS, PALITAN NG BOLO – PNP CHIEF TORRE (‘Pag di pumasa sa marksmanship)
Suspek Patay sa Buy-Bust sa Pasig; Dawit sa Ilegal na Bentahan ng Baril at Iba Pang Krimen