INANUNSIYO ni Health Undersecretary and Spokesperson Dr. Ma. Rosario Vergeire na may nakatakda ng pulong sa pagitan ng Pilipinas at ng gobyerno ng Russia kaugnay sa kauna-unahang bakuna na natuklasan laban sa corona virus disease o COVID-19.
Sa kanyang virtual presser, sinabi ni Vergeire na mag-uusap na ang manufacturer mula sa Russia at ang sub-technical working group na ang lead agency ay ang Department of Science and Technology o DOST.
Ayon kay Vergeire, tatalakayin sa pulong kung paano isasagawa ang clinical trial sa Pilipinas, gamit ang nadiskubreng bakuna ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology.
Sinabi ni Vergeire na ang bakuna ng Russia ay nasa phase 3 na ng clinical trial at kailangang idaan sa ethics board at pag-apruba ng Food and Drug Administration o FDA.
Magkakaroon din aniya ng inclusion at exclusion criteria sa naturang bakuna ng Russia.
Nabatid na noong nakaraang linggo ay nagkaroon na rin ng pulong ang subtechnical working group kung saan inilatag ang iba’t ibang klase ng bakuna na nasa stage 3 na ng trial sa iba’t ibang bahagi dyeng mundo.
Hindi pa masabi ni Vergeire kung sinu-sino at gaano karami ang maaaring isali sa clinical trial, maglalatag pa aniya ng protocol para matukoy kung ilan ang maisasama sa naturang trial. Aalamin din aniya kasi kung ilan o gaano karami ang kayang ibigay ng Gamaleya sa clinical trial.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA