NAGLAAN ang Philippine Army ng pansamantalang matitirhan ng 214 stranded na pasahero na naghihintay ng masasakayang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Sabado.
Sa pakikipagkoordinasyon sa Pasay City Police at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay sinundo muna ng mga tauhan at opisyal ng Philippine Army at pansamantalang pinatuloy sa Philippine Army Wellness Center sa Fort Bonifacio.
Ang nasabing mga stranded na pasahero ay sumailalim sa rapid test at medical protocols na pinangasiwaan ng Army General Hospital bago pinahintulutan sa ‘‘sleeping areas’’ sa gymnasium ang mga ito.
Ayon kay Lt. Gen. Gilbert Gapay, Philippine Army Commanding General, utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan palawigin ang tulong para sa mga na-stranded na manggagawa na hindi makauwi ng kanilang tahanan dahil sa limitado lamang ang pampublikong transportasyon.
“Upon the direction of President Duterte and as part of our COVID-19 response, we extend the appropriate assistance to stranded workers who wanted to be with their families but are unable to do so because of limited public transportation,” ani ni Gapay.
“We will provide them with shelter and other basic necessities until their flights become available.”
Noong Marso ay pinagkalooban din ng transportation assistance ng Army’s 2nd Infantry ‘‘Jungle Fighter’’ Division ang mga na-istranded na mga estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) matapos na umapela ang administrasyon ng unibersidad nang makansela ang klase dulot ng lockdown sanhi ng COVID-19.
Samantalang noong Mayo ay pinagkalooban din ng transportasyon ng Army’s 7th Infantry Division ang mga UPLB students pauwi sa mga tahanan nito sa Central Luzon.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund