Hangad ng Philippine Armwrestling Federation (PAF) na opisyal nang gawing legitimate national sports association (NSA’s) ang bunong-braso. Ito ang kanilang target at naghihintay ng aprubal sa Philippine Olympic Committee (POC).
Batay sa pahayag ni Arniel Gutierrez ng PAF, inaantay na lang nila ang certification. Na magmumula aniya sa World Armrestling Federation (WAF). Sa Gayun ay makumpleto na nila ang dokumento na hinihingi ng POC.
Ayon pa sa nasabing opisyal, nagsumite na ng application ang armwrestling sa POC. Ginawa na nila ito bago manalasa ang COVID-19 pandemic.
“Pero alam naman natin ang naging situwasyon. Umaasa kami na kapag may approval na kami ng international federation, makakapagsagawa na kami ng mga national tournament,” saad ni Gutierrez.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2